JUAN EKIS

JUAN EKIS


Si Juan Ekis ay isang premyadong makata, mandudula, direktor, at guro. Nagwagi siya ng Palanca Awards para sa kanyang mga dula at tula. Itinanghal din siyang Director of a Stage Play of the Decade ng Broadway World Philippines nitong 2020. Itinanghal na ang ilan sa kanyang mga dula sa Virgin Labfest sa CCP at nagwagi ng mga parangal sa Short and Sweet Theatre Festivals. Kasapi siya ng LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo) at Writers’ Bloc.

Kasalukuyan siyang nagtuturo ng malikhaing pagsulat sa Maria Montessori Children’s School Foundation, pagsulat ng dula sa Actors’ Prep School for Drama, Teatro,Performing Arts, at Film sa UA&P, habang tinatapos ang kanyang PhD sa Malikhaing Pagsulat sa UP.

Mahahagilap siya online sa juanekis.com at sa IG, Twitter, at FB sa @juanekis

Juan Ekis merchandise are available here in limited quantities.